Wednesday, November 18, 2015



                   Ang Kahirapan sa Pilipinas


Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.  Ang absolutong kahirapanang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig,nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.
Ang kahirapan ay isang napakabigat na suliranin n gating bansang Pilipinas. Sino ba dapat sisihin? Mali nga ba ang pagpapatakbo ng mga namumuno natin? Sila nga ba ang may gawa ng lahat o tayong mga mamamayan dahil sa katamaran natin.
Naghihirap ang ating bansa dahil ang mga Pilipino ay kulang sa pagtutulungan, dahil sa di-pagkakaintindihan ay nagkaroon ng digmaan, mababang pagtingin sa mga mahihirap, pagnanakaw ng pera, “corruption,” lalo na ang disiplina ng mga Pilipino.





Uunlad ba ang Pilipinas pag mag kahirapan?


Hindi talaga uunlad an gating bansa kung ang mga ito ay paiiralin. Hindi magkakroon ng progreso ang ekonomiya ng Pilipinas. Ang sa palagay ko at naniniwala ako na masosolustunan ang problema ng kahirapan kung tayo ay may disiplina. Lahat ay kailangang magkapit-bisig upang magkaroon ng malaking pagbabago.
Iwasan din natin ang inggit. Maging masaya tayo sa nararating ng iba. May ilan na umaasa sa abot ng gobyerno imbes na mag sikap.Sa suliranin nating kahirapan, disiplina ang kailangan at ang kasagutan. Ito lang talaga ang kinakailangan.
Kilos hangga’t may oras pa. Kahirapan ay magagapi basta nagtutulungan. Upang maisagawa ang lahat ng ito, umpisahan sa sarili, disiplinahin ang sarili. Tumulong sa komunidad upang maging maunlad an gating bansa.